Mandriva Linux Mga Instruksiyon sa Pag-i-install - Mandriva Linux 2007 Kinakailangang kompigurasyon * Pentium processor o katumbas * CDROM drive * Dapat may 32 MB RAM, 64 MB rekomendado Ang pag-i-install ng Mandriva Linux, sa karamihan ng sitwasyon, ay kasing dali lamang ng paglagay ng inyong Installation CD sa inyong CDROM drive, at pag-re-restart ng inyong computer. Pakitingnan na lamang ang point 1. PAALALA: * Kung kayo ay mag-a-upgrade mula sa 7.x, 8.x o 9.x na mga bersiyon ng Mandriva Linux, huwag kalimutang i-backup ang inyong sistema. * Ang pag-a-upgrade mula sa mga mas lumang mga bersiyon (bago mag 7.0) ay HINDI suportado. Sa ganung sitwasyon, kailangan ninyong mag-fresh installation at huwag ang pag-a-update. ============================================================================ Sa ibaba ay nakalista ang iba't-ibang paraan ng pag-i-install ng Mandriva Linux: 1. Mag-boot diretso mula sa CD 2. Gumawa ng boot floppy gamit ang Windows 3. Ibang paraan ng pag-i-install ============================================================================ 1. Mag-boot diretso mula sa CD Ang Installation CDROM ay bootable. Sa karamihan ng sitwasyon, ipasok lamang ang CD sa loob ng drive at i-reboot ang computer. Sundin ang mga instruksiyong nakasaad sa screen: pindutin ang [Enter] key para simulan ang pag-i-install, o pindutin ang [F1] para sa karagdagang tulong. PAALALA: Sa ilang laptops (mga portable computers), ang sistema ay maaaring hindi makapag-boot mula sa CD. Sa ganung sitwasyon, kailangan ninyong maghanda ng boot floppy. Tingnan ang point 2 para sa mga detalye. ============================================================================ 2. Gumawa ng boot floppy gamit ang Windows Kung ang inyong computer ay hindi makapag-boot mula sa CDROM, kailangan ninyong gumawa ng boot floppy gamit ang Windows gaya ng sumusunod: * ipasok ang CDROM, tapos ay buksan ang icon na "My Computer", i-right click ang CDROM drive icon at piliin ang "Open" * pumunta sa "dosutils" na direktoryo at i-double-click ang "rawwritewin" icon * magpasok ng walang lamang floppy sa loob ng floppy drive * piliin ang "D:\images\cdrom.img" sa may "Image File" field (inaasahang ang CDROM drive ay "D:", kung hindi ay palitan ang "D:" sa kailangan) * piliin ang "A:" sa may "Floppy Drive" field tapos ay i-click ang "Write". Sa pagsimula ng installation: * ipasok ang CDROM sa loob ng drive, pati na rin ang boot floppy, tapos ay * i-restart ang computer. ============================================================================ 3. Ibang paraan ng pag-i-install Kung sa anumang rason ang mga nakaraang paraan ay hindi tugma sa inyong pangangailangan (gusto niyong mag-network install, mag-install mula sa pcmcia devices o ...), kailangan niyo ring gumawa ng boot floppy: * Sa ilalim ng Linux (o ibang makabagong mga sistemang UNIX) i-type sa prompt: $ dd if=xxxxx.img of=/dev/fd0 * Sa ilalim ng Windows, sundin ang paraan na nakasaad sa point 2, pero gamit ang xxxxx.img (tingnan ang ibaba) maliban sa cdrom.img. * Sa ilalim ng DOS, inaasahang ang inyong CD ay drive D:, i-type: D:\> dosutils\rawrite.exe -f install\images\xxxxx.img -d A Ito ang listahan ng mga boot images: +-----------------+------------------------------------------------------+ | cdrom.img | mag-install mula sa CD-ROM | +-----------------+------------------------------------------------------+ | hd_grub.img | mag-install mula sa hard-disk (mula sa Linux, | | | Windows, o ReiserFS filesystem) | | | maaari ninyong i-configure ito para sa inyong | | | sistema sa: http://qa.mandriva.com/hd_grub.cgi | +-----------------+------------------------------------------------------+ | network.img | mag-install mula sa ftp/nfs/http | | | PAALALA: kailangan ninyong ipasok ang | | | network_drivers.img sa loob ng inyong floppy drive | | | kung sinabihan | +-----------------+------------------------------------------------------+ | pcmcia.img | mag-install mula sa mga pcmcia devices (babala, | | | karamihan ng pcmcia network adapters ngayon ay | | | diretso nang suportado mula sa network.img) | +-----------------+------------------------------------------------------+ Maaari niyo ring i-burn ang boot.iso sa CDROM at mag-boot gamit ito. Suportado nito ang lahat ng paraan ng pag-i-install, cdrom, network, at hard-disk. ============================================================================ Maaari niyo ring gamitin ang text mode na pag-i-install kung, sa anumang rason, ay may problema kayo sa default na graphical na pag-i-install. Sa paggamit nito, pindutin ang [F1] sa may Mandriva Linux welcome screen, at i-type ang text sa may prompt. Kung kailangan niyong i-rescue ang inyong kasalukuyang sistema ng Mandriva Linux, ipasok ang Installation CDROM (o anumang puwedeng boot floppy), pindutin ang [F1] sa may Mandriva Linux welcome screen, at i-type ang rescue sa may prompt. Tingnan ang http://www.mandrivalinux.com/drakx/README para sa mga karagdagang teknikal na impormasyon. ============================================================================ Sa ibaba ay ang mga pangunahing hakbang ng pag-i-install: 1. Ipasok ang Installation CDROM (o Installation Floppy disk kung kailangan) at i-restart ang inyong computer. 2. Pindutin ang [Enter] kung ang Mandriva Linux welcome screen ay lumabas at sundin ng mabuti ang mga instruksiyon. 3. Kung kumpleto na ang pag-i-install tanggalin ang CD-ROM sa pag-eject (at anumang floppy disk kung may laman ang drive); ang inyong computer ay mag-re-restart. Kung hindi, i-restart ito. 4. Ang Mandriva Linux ay magsisimula. Pagkatapos ng bootup, maaari na kayong mag-login sa inyong computer sa ilalim ng user account na ginawa habang nag-i-install, o bilang "root". Mahalagang paalala: Ang "root" na account ay magbibigay sa inyo ng unrestricted access sa inyong sistemang Linux. Huwag gamitin ito maliban sa pag-configure o pag-administer ng Linux. Sa pang-araw-araw na gamit, gumamit ng normal user account na maaari ninyong i-configure gamit ang "userdrake" tool, o gamit ang mga commands na "adduser" at "passwd". Mabuhay sa paggamit ng Mandriva Linux! ============================================================================ Para sa karagdagang suporta, tingnan ang sumusunod: * E-Support sa http://www.mandrivaexpert.com/ * Mandriva Linux Errata sa http://www.mandrivalinux.com/en/errata.php3 * Mandriva Linux Security Advisories sa http://www.mandriva.com/security/advisories/ * On-line na Dokumentasyon sa http://www.mandrivalinux.com/en/fdoc.php3 * Basahin at sumali sa On-line Discussion Forums ng Mandriva Club sa http://club.mandriva.com * Sumali sa mga Mailing List sa http://www.mandrivalinux.com/en/flists.php3 * Madaling Mapaghahanapang Mailing List archives sa http://marc.theaimsgroup.com/ * Maghanap sa Internet gamit ang Google for Linux http://www.google.com/linux * Maghanap sa Usenet Groups gamit ang Google Groups sa http://groups.google.com/groups?group=comp ============================================================================